Ilalabas sa Nobyembre 19, 2026 bilang Early Access
Kakaibang nakaka-satisfy na incremental roguelike: baliktarin ang barya, i-invest lahat sa skill, upgrade, barya at iba pa, hanggang trilyon-trilyon na ang yaman mo! Mag-ipon ng relic sa daan, yumaman bago maghatinggabi para sa OP na regalo, at kahit ano'ng mangyari... HUWAG galitin si Gregory.
Sa incremental roguelike na Lucremachine, binabaliktad mo ang barya hanggang yumaman ka nang todo. I-invest ulit lahat sa barya, skill at upgrade, mag-"hire" ng Frend na taga-click mo, bumili ng relic sa weird na bisita at kumuha ng OP na regalo papunta sa trilyon-trilyon! Basta yumaman bago maghatinggabi... kundi &$!%@#% ka ni Gregory.
Bawat run, nagsisimula kang walang-wala (YUCK! Paano mo nagawa 'yan?) na may iisang tansong barya na kumikita ng $0.10 bawat baliktad. Piliin ang istilo mo: active, passive, cactus (walang judgment) o halo, tapos dito mo ibase ang build mo. Kung makaligtas ka, mga isang oras ang isang run. Ano'ng mangyayari sa dulo? Lampasan mo ang huling hatinggabi at makikita mo ;)
Tuwing hatinggabi, pipili ka ng OP na regalong magbabago sa takbo ng laro hanggang matapos ang run mo. Kung nakaipon ka ng sapat na $$$, siyempre. Masyadong mahirap? Walang problema: kakagatin na lang ni Gregory ang isa sa mga puso mo. Maubos ang tatlong puso = KAMATAYAN.
Mangolekta ng XP mula sa mga barya mo at mag-level up para piliin ang susunod mong encounter sa Paglalakbay™. Mag-stock ng mga weird na relic sa Tindero, kumuha ng mga baliw na manika sa Mananahi at kopyahin ang mga barya mo sa Tagakopya. Marami pang iba sa daan, pero corny ang spoiler.
Sugal ba 'to? Hindi. Walang totoong pera, walang microtransaction at walang loot box.
Tara, tambay tayo
Mga devlog, patch notes, at diretsong usap sa dev.
Ico-cover mo ba ang laro?
Impormasyon, mga teksto, art, at screenshot sa wika mo, sa iisang zip.
FAQ
Bakit Early Access?
Buong-buo nang nalalaro ang Lucremachine at may sapat na itong content, pero gusto naming gawin itong pinakamagaling hangga't kaya, kasama ang mga player. Sa buong Early Access, patuloy naming palalawakin ang laro, at direktang huhubugin ng feedback mo ang balance, ang progression at kung ano ang susunod naming idadagdag. Wala pang pinal, kaya puwedeng malaki ang magbago bago ang 1.0.
Gaano ito katagal?
Plano naming manatili sa Early Access nang hanggang anim na buwan. Nakadepende ang eksaktong tagal sa feedback ng mga player, at regular kaming maglalabas ng update para lagi mong alam kung nasaan na kami.
Ano ang darating sa 1.0?
Sa Early Access, plano naming mag-ayos ng bug, i-balance ang laro, gumawa ng iba't ibang improvement at magdagdag ng mga bagong feature (kasama ang metaprogression). Marami ring bagong content: relic, regalo, uri ng barya, encounter sa Paglalakbay, cosmetics at mas maraming klase ng build. Magkakaroon ng mas maraming lore at dialogue si Gregory, ang resident Shoggoth namin, at papasok sa laro ang pinakamagagandang ideyang ipapadala ng mga player. Puwede ring magkaroon ng maraming ending (pero walang pangako). Tuloy ang pag-aayos ng bug at pag-balance pagkatapos ng 1.0, at kung maganda ang takbo ng laro, puwedeng sumunod ang mga content update.
Ano ang laman ng laro ngayon?
Buong-buong nalalaro ang Lucremachine mula sa unang tansong barya hanggang sa huling upgrade. Sa ngayon, may 79 relic, 70 skill, 30 upgrade, 28 regalo, 23 uri ng "barya" at 113 tagumpay ito, plus isang Fihman. Tuloy-tuloy na darating ang bagong content sa mga regular na update.
Magbabago ba ang presyo?
Oo. Gusto naming pasalamatan ang mga maagang sumuporta, kaya mas mura ang laro habang Early Access. Tataas ang presyo sa 1.0 para tumugma sa nadagdag na content at polish, at iaanunsyo namin ang pagbabago nang hindi bababa sa isang buwan bago nito.
Paano ako makakatulong?
Binabasa namin lahat ng ipinapadala ng mga player, at napupunta sa laro ang pinakamagagandang ideya. May nakita kang relic na sobrang lakas, may na-encounter kang bug, o may ideya ka? Sabihin mo sa amin sa Discord namin, sa r/Lucremachine o sa Steam discussions, at aasikasuhin namin agad.
Mga kailangan ng system
Minimum · Windows
- OS
- Windows 10
- Processor
- Intel Core i5-9400 / AMD Ryzen 5 3600
- Memory
- 8 GB RAM
- Graphics
- 4 GB VRAM, DirectX 12 (feature level 11_1) o Vulkan 1.1
- DirectX
- Bersyon 12
- Storage
- 4 GB na bakanteng espasyo
- Karagdagang tala
- Screen na may resolusyong 1920x1080 o mas mataas
Recommended · Windows
- OS
- Windows 11
- Processor
- Intel Core i5-12400 / AMD Ryzen 5 5600X
- Memory
- 16 GB RAM
- Graphics
- Dedicated GPU na may 6 GB VRAM, DirectX 12 o Vulkan 1.1
- DirectX
- Bersyon 12
- Storage
- 8 GB na bakanteng espasyo
- Karagdagang tala
- Screen na may resolusyong 1920x1080 o mas mataas
Lalabas sa Early Access sa Nobyembre 19, 2026
Abangan ang unang baliktad.
















